NAGSALITA NA ANG BAYAW NI BARON GEISLER TUNGKOL SA TOTOONG PANGYAYARI SA PAMBUBUGBOG NITO SA AKTOR - ReadTimenowph

Monday, March 5, 2018

NAGSALITA NA ANG BAYAW NI BARON GEISLER TUNGKOL SA TOTOONG PANGYAYARI SA PAMBUBUGBOG NITO SA AKTOR



Noong Sabado sinabi ni Actor Baron Geisler na sya ay binugbog ng kanyang bayaw. Nagpost pa sya sa Instragam ng kanyang larawan na putok ang mukha at nagdurugo na may caption na "What to do? Break in and bugbog by family. Wow. Still forgive them. Pera pera 'pag alana si mama."


Ito ay nangyari sa bahay ng mga Geisler sa Angeles City, Pampanga ng alas 2 pasado ng madaling. Ayon sa ilan sa mga interview ni Baron ito ay pumunta sa presinto upang manghingi ng medical examination certificate.


Ayon kay Baron, binugbog siya ng brother in-law niya, pero hindi niya sinabi ang pangalan. Family matters daw ang dahilan. Ang sabi ni Baron, hindi pa sure kung magsasampa siya ng kaso, humingi lang siya ng certificate para medical examination. Hindi raw siya lumaban nang bugbugin siya.


Sa kabilang banda, nagsalita naman ang kanyang bayaw tungkol dito. “He’s my brother-in-law. Lahat ng sinasabi niya, the reason why I burst into anger, hapon pa lang, lasing na siya. He barged in my house, lasing", sabi ng bayaw ni Baron na si Michael.


Dagdag pa nito, “As a father, siyempre, ayokong ginaganyan ang anak ko. Parang nababastos. After the party, I saw some messages sa Facebook that I didn’t like. But what really hurt me when we went home, he called my daughter on the phone and said something—nasty words, hurtful words.”


Ayon pa sa panayam kay Michael kinuwento nito ang buong pangyayari. “I went to the house, ang dami niyang sinasabi, sa sobrang galit ko, nanghahamon siya. What I did, he asked for it, he got it. That’s simple. ‘Yon ang gusto niya. Ilang times na gigisingin niya kami sa gabi, kaya he deserved what he did, and he’s trying to twist the story.”


Nagbigay pa ito ng mensahe kay Baron; “Alam mo, Baron, you deserve what you deserve! I don’t regret sa ginawa ko dahil sumosobra ka na. Sumosobra ka na, hindi na tama yung ginagawa mo. If you won’t listen to family, who else?”


“You were the one who unleashed the beast of anger, of wrath in me because of what you said to Marge, and never, never do anything towards her or to my family ‘coz if you do, hindi pa tapos", dagdag pa nito.


“Kung ang pamilya ang involved dito, Baron, kakasuhan kita. Ganoon na lang, hindi pa ako tapos sa ’yo kaya you stop spreading lies sa Facebook o sa media.” Bilang pagtatapos na mensahe nito.

No comments:

Post a Comment